61

Jun 16, 2020 @ 19:26

SUV nagliyab sa Commonwealth

Naging masikip ang daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue malapit sa Litex Road, Quezon City makaraang magliyab ang isang SUV, nitong Martes ng umaga.

Agad namang isinara ng mga nagrespondeng traffic police at mga bumbero ang apektadong lanes sa mga motorista habang inaapula ang apoy sa nasusunog na sasakyan.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa nangyaring insidente.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkasunog ng sasakyan. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?