18

By

SUV inararo ang nakaparadang trak sa Cebu, driver sugatan

Sharing is caring!

Sugatan ang isang driver ng sports utility vehicle matapos banggain ang nakaparadang truck sa gilid ng highway sa Barangay Poblacion 2, Carcar City, kamakalawa ng madaling araw.

Nakilala ang drive rng SUV na si Archiebald Batomalaque, residente ng Banawa, Guadalupe, Cebu City na kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan matapos ang tinamong injuries sa katawan.

Ayon sa report ng Carcar Police, naganap ang insidente bandang 2:00 Sabado ng madaling araw habang papauwi na ang biktima patungo sa siyudad ng Carcar nang salpukin nito ang nakaparadang trak na minamaneho ni Arnold Cadilig.

Kasalukuyang nakakulong sa Carcar detention cell si Cadilig dahil sa naganap na insidente na kung saan ay illegal ang ginawa nitong pagpa-park ng trak sa gilid ng kalsada na kung saan ay nagiging sanhi irto ng aksidente.

Ayon kay Joy Tumulak ng Provincial Traffic Management, posibleng makasuhan ang driver ng trak dahil sa illegal parking

Sinabi naman ng biktima na hindi niya napansin ang nakaparadang trak kung kaya bumunggo habang si Cadilig naman ay may binili lamang umano kaya iniwan ang trak sa gilid ng kalsada.

Kaugnay nito, gagawa ng legal move ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga nagaganap na illegal parking sa highway

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?