89

Susuotin ni Miss Japan 2019 sa Miss Universe tatak Pinoy

Kagaya ni 2018 Miss Japan Yuumi Kato, Pinoy designers ang magdidisenyo ng mga susuotin ni 2019 Miss Japan Ako Kamo sa paparating na Miss Universe 2019 pageant.

Sa partikular, napiling maging designer ng competition gowns ng Japanese beauty queen si Joel Escober at ang mga student designer ng Fashion School ng Slim.

Naging solo exchange student si Kamo sa Assumption College sa Makati noong 2017. Doon siya natuto ng ilang salitang Tagalog at kasaysayan ng bansa.

Gaganapin ang Miss Universe 2019 sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia sa darating na Disyembre 8, kung saan ipapasa ni Catriona Gray ang korona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?