234
VP Leni na-inspire kay Regine, ikinatuwa ang pagsasalita nito hinggil sa WPS issue
By

Susunod sa yapak ni Macapagal na naging Pangulo? Robredo nagkomento

Naitanong kay Vice President Leni Robredo kung posible itong sumunod sa tinahak na daan ni dating Pangulong Diosdado Macapagal matapos siyang ihalintulad dito ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Ani Drilon, gaya ni Robredo ay hindi rin umano noon binibigyan ng trabaho si Macapagal bilang vice president ni dating Pangulong Carlos Garcia.

Kaya ang ginawa ng dating bise presidente sa loob ng apat na taon ay ang maglibot sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas para tulungan ang mga nangangailangan.

“Siguro similar kami in the sense na pareho kaming walang Cabinet post,” reaksyon ni Robredo.

“Pero iyong kaibahan siguro, iyong mga areas kasi kung nasaan kami, ito iyong mga areas na sobrang lalayo, ito iyong mga areas na sobrang mahirap puntahan, at ito din iyong mga areas na kaunti iyong tao – kaunti iyong tao kasi sobrang lalayo niya,” dagdag pa niya.

Nagkomento naman si Robredo kung kinokonsidera niyang maging presidente gaya ni Macapagal na naging bise presidente rin noon bago nasungkit ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

“Sa akin lang, parating bukas sa kahit anong possibilities, pero kailangan lang gawin iyong dapat gawin. Mahirap sabihing ‘considering’ dahil iyong trajectory ko naman sa politika, walang pinlano,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, mahirap umanong planuhin ang ganoong bagay dahil kapag pinlano, parang lahat umano ng ginagawa niya ay iniisip na niya kung saan ba siya makakakuha ng maraming boto na kontra sa kanilang mga ginagawa na nagpupunta sa mga lugar na hindi vote-rich.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?