batocabe
By

Susunod na Ombudsman, wala dapat masyadong kaibigan – Batocabe

Sharing is caring!

Inihalintulad ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe sa isang madre o Santo Papa ang Ombudsman na aniyaý hindi dapat nakikita, hindi lumalabas at walang nakakalapit.

Itoý para mapanatili ang integridad at independence ng anti-graft body.

Ayon pa kay Batocabe, mas maganda kung ang susunod na Ombudsman ay hindi pulitiko para walang masyadong kakilala, kakaunti ang kaanak at kaibigan.

“Kung ang Ombudsman maraming kilala mahirap, dapat konti ang kaibigan at kamag-anak. Kasi kung maglagay ng pulitiko, delikado.. napakahirap na trabaho ng Ombudsman,” sabi ni Batocabe.

Inalmahan naman ng grupong Gabriela ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi babae ang susunod na Chief Justice.

Para kina Gabriela partylist Rep. Emmi de Jesus at Arlene Brosas, lumabas na naman ang pagka-misogyny ng Presidente na hindi pa anya nakuntento sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Giit nina de Jesus at Brosas, taliwas na naman sa Konstitusyon ang gusting mangyari ni Duterte dahil hindi naman ipinagbabawal na maging Punong Mahistrado ang isang babae.

“What does President Duterte fear of women? Why is he so threatened by women? He pushed the ouster of a female chief justice, ordered troops to shoot female rebels in the vagina, tells soldiers to rape women in Marawi, and even allowed the removal of a comfort woman statue from public’s sight. We are perturbed and extremely enraged that the sickest form of misogyny sits at the presidential seat in Malacanang,” ayon sa mga kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?