21

By

Susunod na Ombudsman, hindi babae, hindi politiko – Duterte

Sharing is caring!

Nagbigay na ng ilang pamantayan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa hihiranging susunod na Ombudsman kasunod ng nakatakdang pagreretiro ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa buwan ng Hulyo.

Sinabi ng Pangulo na hindi babae at lalong hindi politiko ang susunod na Ombudsman.

Pupulsuhan aniya muna nito at ikokonsulta sa mga tauhan ng Ombudsman ang magiging kapalit ni Morales para siguradong gusto ng mga tao.

Pero nilinaw ng Pangulo na hindi kasama si Ombudsman Morales sa mga kokonsultahin nito.

“l’ll have to consult everybody. I will even have to consult the Ombudsman people, not Morales. And marami, para sigurado ‘yung gusto ng tao,” anang Pangulo.

Matatandaang may iringan sa pagitan ng Pangulo at ni Morales dahil sa pag-imbestiga ng Ombudsman sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman at malaking deposito umano ng pamilya Duterte sa bangko.

Kasabay ng nalalapit na pagreretiro ni Morales ay lumutang naman ang pangalan nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Associate Justice Teresita de Castro para sa mababakanteng puwesto.

Pero natatawang sinabi ng Pangulo, itatalaga niya si Bello bilang labor attache’ sa Kuwait.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?