600

Mar 1, 2018 @ 15:12
By

Sustansiyang taglay ng lettuce

Masarap ang lettuce sa mga salad. Kahit anong salad ay hindi mawawala ang dahon ng lettuce. Maging sa sandwiches ay lettuce ang mainam na lahok. Bukod sa sarap nito lalo na kung malutong ay nagbibigay pa ito ng lakas ng katawan.

Bukod sa linamnam nito sa salad ay may taglay pa itong sustansya na kailangan ng katawan. Ang benepisyong nakukuha sa pagkain ng lettuce ay upang ma-maintain ang malusog na paningin, mucus membranes at mapanatiling malusog ang balat dahil ito ay may vitamin A at beta carotene.

Mayroon ang lettuce ng vitamin K levels na nagbibigay ng kalusugan sa ating buto sa pamamagitan ng pagtaas ng ating bone mass at pinatitibay nila ito. Kino-control din nito ang neuronal damage sa utak ng mga taong may sakit na Alzheimer’s.

Ang folates na taglay ng lettuce ay nakakapagpaiwas upang magkaroon ng neural tube defects sa mga lumalaking fetus sa loob ng tiyan ng isang ina samantalang ang vitamin C ang nagbibigay proteksiyon laban sa impeksiyon at bakterya. Ito rin ay mayroong zeaxanthin na proteksiyon sa mga matatanda upang maiwasan ang mascular degeneration.

Ang mineral potassium ang nagko-control ng heart rate at blood pressure. Ang copper at iron ang lumalaban sa anemia samantalang ang manganese ay tumutulong din para mapatibay ang ating buto at may taglay din ito na mataas na level ng anti-oxidant upang mapanatiling malusog ang ating balat at pangangatawan.

Ang vitamin C at beta carotene ay mahusay sa puso dahil napipigilan nito ang oksihenasyon ng kolesterol para maiwasan ang pagbabara sa ugat sa puso.

Ang taglay nitong fiber content ay mahusay para sa kalusugan ng puso upang pagsamahin ang bile salts at tanggalin ang mga ito palabas ng ating katawan at puwersahin ang katawan nating mag-produce ng maraming bile para pababain ang kolesterol level sa ating katawan.

Ang calcium at phosphorus naman ay nagpapanatili ng ating ngipin at buto na maging malusog. Ang Flavonoid phytonutrients ay nagpapabawas sa ating panganib na magkaroon ng iba’t ibang klase ng cancer kasama na ang mouth and lung cancer.

Ang dahon ng lettuce ay nakakatulong din upang mabawasan ang timbang ng sinumang kumakain nito. Ito ay may taglay na sedative lactucarium na nagpapa-relax ng ating nerves at muscles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?