6

Jun 10, 2021 @ 12:50
By

Suspensyon ng SEAG binutata ng ‘Pinas, 7 pang bansa

Kinontra ng Pilipinas at pito pang bansa ang hiling ng host country na Vietnam na suspendihin ang Southeast Asian Games ngayong 2021.

Bukod sa Philippine Olympic Committee (POC), tumutol din ang mga national olympic committee ng mga bansang Indonesia, Singapore, Malaysia, Thailand, Brunei, Cambodia at Timor Leste.

Dinahilan ng Vietnam ang COVID-19 pandemic kaya nais nilang iusog sa 2022 ang sporting event.

Ito’y dahil nakatakdang ganapin ang ilang SEA Games event sa Bac Ninh at Bac Giang, mga probinsya na matinding tinamaan ng COVID-19 sa Vietnam.

Ayon kay POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino, magkakaroon muli ng meeting ang SEA Games Federation para maayos ang gusot.

Mungkahi ng isang opisyal mula Singapore na hayaan ang ibang bansa na tumulong sa hosting ng biennial event, ngunit pinalagan ito dahil masisira umano ang kanilang tradisyon na paiba-iba ang host kada taon.

Nakatakdang ganapin ang SEA Games sa November 21 hanggang December 2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,