73
ABANTE devanadera erc comissioners suspend
Jul 7, 2018 @ 13:50
By

Suspensiyon sa 4 ERC commissioners, ipapataw sa Lunes – Devanadera

Bilang tugon sa utos ng Malacañang na ipatupad na ang suspensiyon sa apat na komisyuner ng Energy Regulatory Commission (ERC), sinabi ni Chairperson Agnes Devanadera na iiimplementa niya ang suspension order sa Lunes, Hulyo 9.

“[The] ERC received the Memo on the suspension of the four commissioners from the Office of the Executive Secretary close to 6 p.m. last night. By then I already left the office,” ani Devanadera.

“I will be able to serve the suspension on the commissioners only on Monday at the earliest,” dagdag pa nito.

Matatandaang noong Biyernes nagpalabas ng memo si Executive Secretary Salvador Medialdea para sundin ang desisyon ng Ombudsman na nagsususpinde kina ERC Commissioners Alfredo Non, Gloria Victoria Yap-Taruc, Josefina Patricia Magpale-Asirit at Geronimo Sta. Ana.

Nag-ugat ito sa reklamo na inihain ng National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc., ng syndicated estafa laban sa ERC officials at sa Meralco kaugnay sa bill deposits.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?