9

Sep 24, 2020 @ 16:04
By

Suspensiyon ng US security aid sa ‘Pinas, kawalan din sa Amerika – Lacson

Hindi lang sa Pilipinas kundi malaking kawalan din sa United States ang suspensiyon ng kanilang security assistance sa bansa, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Sabi ng chairman ng Senate national defense committee, bagama’t prerogative aniya ng US Congress na maghain ng legislative measure, mayorya ng security aid nila sa bansa ay ginagamit para sa counter-terrorism effort.

“As in our case, it will have to go through the mill of first reading and referral, committee hearings and floor debates,” pahayag ni Lacson sa isang statement.

“If adopted and approved, the said bill…will not only be our loss but theirs as well, considering that a major part of the security assistance being extended to the Philippines is used to combat terrorism, which knows no borders and timing. And they know that for a fact,” dagdag ito.

Nauna nang nag-sponsor si Pennsylvania Rep. Susan Wild ng panukalang Philippine Human Rights Act sa US Congress. Layunin nitong itigil ang police at military assistance sa Pilipinas hangga’t hindi nagsasagawa ng reporma sa military at police forces ng bansa.

Ayon pa kay Lacson, maaari ring ikonsidera ng mga mambabatas ng US ang kasalukuyang Visiting Forces Agreement (VFA) sa deliberasyon ng nasabing panukala.

“They may have to resolve that as a legal issue in their deliberations,” sabi ni Lacson.

Ang VFA ay niratipikahan ng Senado noong 1999 kung saan puwedeng magsagawa ang tropang militar ng US bilang bahagi ng military exercises sa bansa.

Ibnasura noong Pebrero ng Pilipinas ang nasabing kasunduan subalit binawi din noong Hunyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?