17

Dec 14, 2020 @ 13:27

Suspensiyon ng NLEX business permit pinanatili

Mananatili ang pagsuspinde ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian sa business permit ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation kahit pa nag-usap na ang dalawang panig.

Matatandaang sinuspinde ng alkalde ang business permit ng NLEX dahil sa sablay na cashless payment system o RFID ng naturang tollway na hawak ng Salim-Metro Pacific group. Nagdulot ng mabigat na trapiko ang nasabing aberya.

Sa dayalogo ng dalawang kampo ngayong Lunes, ang NLEX ay nanghingi ng dagdag na panahon para pag-aralan ang ‘barriers-up solution’.

Nangako rin ang kompanya na ia-upgrade ang system nila sa Enero 30, 2021.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?