39

Nov 5, 2017 @ 19:10

Suspensiyon ng MRT operations, pag-aralan – Poe

Pinagsabihan ni Senadora Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) at ang pangasiwaan ng Metro Rail Transit (MRT) na pag-aralan kung kailangang suspendihin ang buong operasyon ng MRT.

Ayon sa senadora, kailangan na itong masusing pag-aralan bunsod ng sunod-sunod na aberya ng MRT na naglalagay sa panganib sa mga pasahero nito.

Pinakahuling aberya ng MRT ang pagliliyab ng isang tren nito kaninang pasado alas-10 ng umaga (Linggo, Nobyembre 5).

Ayon sa mga pasahero at mga nakasaksi, nanggaling ang tren sa MRT station sa Cubao.

Habang patungo sa GMA Kamunining station, nagkaroon ng apoy sa tren kaya kinalangang itigil ito at pababain ang mga pasahero na naglakad na lang sa riles ng MRT.

“The decision to suspend whole operations of the MRT lies with the management whose technical staff are in a better position to assess the extent of the dangers. Several weeks have passed since the MRT management assured us during budget deliberations that the line was still safe to operate but in recent days such assurance seems dubious now,” pahayag ni Poe.

”While I agree that prevention despite possible inconvenience is better than having a disaster, on the other hand, traffic is already as bad as it is, and it will get worse when the Christmas season kicks in. Thus, we can expect more stranded commuters without the MRT,” dagdag pa nito.

Habang inaaral ito, kinalampag ni Poe ang MRT management para magsagawa ng mas mahigpit na technical evaluation sa lahat ng natitirang coaches upang masiguro na wala iyong magiging technical glithes na maaring ikapahamak ng mga pasahero.

Idinii nito na pananagutan ng DOTr ang pagseguro na ligtas ang pagsakay sa MRT.

“Nonetheless, the DOTr presumably has the technical expertise to assess the safety of the trains. If they do not act on this or continue to turn a blind eye, then the blame ultimately rests on their shoulders, ” giit pa ni Poe. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?