36

By

Suspensiyon ng klase sa 2-araw na tigil-pasada, pag-aaralan pa

Sharing is caring!

Wala pang desisyon ang Malacañang kung magpapatupad ng suspension sa pasok ng mga estudyante at mga tanggapan ng pamahalaan kaugnay sa nakatakdang dalawang araw na tigil-pasada sa Disyembre 4 at 5.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na pag-aaralan pa ng Palasyo ang mga gagawing hakbang para hindi makompromiso ang kapakanan ng publiko sa ikinakasang tigil-pasada.

Isasaalang-alang aniya ang kapakanan ng riding public kayat pag-aaralan kung ano ang dapat gawin.

Ayon kay Roque gagamitin ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board o LTFRB ang kanyang kapangyarihan para papanagutin ang mga drivers at operators na lalabag sa batas.

Tungkulin ng gobyerno na protektahan ang kapakanan ng mga mananakay kayat sisilipin kung may paglabag ang mga magwewelgang transport sa kanilang prankisa.

“The LTFRB is correct in saying that the holders of public franchise and conveniences are precluded from joining such action. And therefore expect that their participation will come with the legal consequences as far as the award of the certificates of oublic convenience is concerned”, ang pahayag noli Roque.

Ikinasa ng mga jeepney drivers at operators ang dalawang araw na nationwide transport holiday para tutulan ang ipatutupad na jeepney phaseout sa Enero ng susunod na taon.

Nauna ng nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte ipapahatak niya ang mga karag-karag at mga depektibong jeep sa kalsada kapag nakita pa ang mga ito sa Enero 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?