By

Suspensiyon laban sa 4 ERC commissioner, huwag harangin – ABP

Sharing is caring!

Nais ng isang grupo na matuloy ang pagpapatupad ng isang taong suspensyon na ipinataw ng Ombudsman laban sa apat na commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Kaugnay nito, dumulog ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Incorporated (ABP) sa Korte Suprema para hilingin na pigilan ang pagpapatupad ng temporary restraining order (TRO) na inisyu ng Court of Appeals (CA) pabor kina ERC Commissioners Alfredo Non, Gloria Victoria Yap-Taruc, Josefina Patricia Asirit, at Geronimo Sta. Ana.

Sinuspinde ang mga ERC commissioner dahil sa kasong conduct prejudicial to the best interest of the service, simple misconduct at simple neglect of duty.

Nag-ugat ang kaso sa inihaing reklamo ng ABP dahil sa maanomalya umanong kasunduan sa suplay ng kuryente sa 38 kumpanya, pito rito ay kunektado sa Manila Electric Company o Meralco.

Hindi raw kasi dumaan ang mga kasunduan sa competitive selection process.

Naniniwala ang ABP na may pagmamalabis sa panig ng CA nang ipalabas nito ang TRO dahil ang parusang suspensyon ng Ombudsman ay immediately executory o kinakailangan na maipatupad agad at hindi maaring harangin ng nakabinbing apela.

Nababahala rin ang ABP na ang pagbabalik sa trabaho ng apat na commissioner ay maaring makaimpluwensya sa resolusyon ng mga kinukuwestiyong kasunduan na hinihinalang midnight contract.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?