13

Oct 25, 2020 @ 10:02
By

Suspension inalis na! Calvin Abueva hahagupit ulit sa PBA

Matapos ang lampas isang taon na suspensyon, muli nang makakatapak sa hardcourt si ‘The Beast’ Calvin Abueva.

Inanunsyo ito nitong Linggo sa official website ng PBA kung saan tinanggal na ni league commissioner Willie Marcial ang suspensyon para sa tubong Pampanga.

Saad sa report, nakipag-usap sina Marcial, deputy commissioner Eric Castro at technical officer Mauro Bengua sa kampo ng Phoenix management kasama si Abueva nitong Sabado para ilatag ang mga guideline sa muling pagbalik ni ‘The Beast’.

Saad din na kinakailangan dumalo sa mga counseling program ni Abueva.

Matatandaan na noong 2019 PBA Commissioner’s Cup pa nasuspende si Abueva nang masaktan nito ang dating TNT import na si Terrence Jones.

Sa nasabing meeting, hinayag din ni Marcial ang mga posibleng parusa kay Abueva sakaling magpasaway siyang muli sa loob o labas man ng court.

Sa Lunes ay maari nang makapaglaro si Calvin kontra NLEX Road Warriors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?