95

Feb 24, 2021 @ 18:29
By

Suspendidong pulis dinukot sa Maynila

Isang suspendidong pulis ang diumano’y dinukot ng limang armadong lalaki sa Sta. Mesa sa Maynila nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa inisyal na ulat ng Manila Police District, kinilala ang biktimang si Patrolman Real Lopez Tesoro, 41.

Lumabas sa record ng pulisya na huling nakatalaga si Tesoro sa Regional Police Holding and Accounting Section ng National Capital Region Police Office.

Naglalakad siya sa V. Mapa Extension sa Barangay 601 ng alas-10:05 ng umaga nang dukutin umano ng limang armadong suspek na sakay ng dalawang sports utility vehicle.

Ilang witness umano ang nag-report sa mga pulis ng tungkol sa sinasabing kidnapping.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?