182

By

Suspek umamin sa panghahalay sa sanggol na lalaki sa Makati

Umamin sa kanyang ginawang panggagahasa sa isang 1-anyos na sanggol na lalaki ang suspek matapos maaresto nitong Miyerkoles.

Natagpuang patay ang sanggol sa isang abandonadong gusali sa Yakal Street, Barangay San Antonio, Makati City.

Ayon sa suspek na si Gerald Reparip, sinakal niya ang biktima matapos halayin na nagresulta sa pagkamatay ng huli, Martes ng gabi.

Humingi siya ng paumanhin sa nagawa at sinabing nadala lang siya ng alak.

Sa inisyal na imbestigasyon, hinanap ng kanyang mga kaanak ang biktima matapos mawala kung saan nakita itong nakahandusay sa ikapitong palapag ng abandonadong gusali sa Yakal Street.

Nagdiwang umano ng kaarawan ang lolo ng biktima at nag-inuman sa ikalawang palapag ng gusali, kung saan caretakers ang mga kaanak ng sanggol.

Inimbitahan umano sa inuman ng bayaw ng lolo ng biktima ang suspek na construction worker mula sa Muntinlupa.

Inamin ni Reparip, na may anak ding 7-anyos, na sobrang kalasingan ang nagtulak sa kanyang gawin ang krimen pero itinanggi niya na gumamit siya ng droga.

Nasa kustodiya na siya ng Makati City Police at mahaharap sa kasong rape with homicide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?