201

Dec 12, 2017 @ 17:15
By

Suspek sa rape timbog sa iskul

Walang nagawa ang pamunuan at mga guro ng Muntinlupa National High School sa Muntinlupa City nang arestuhin ng mga pulis ang isa nilang estudyante kahapon ng hapon.

Dakong alas-2:30 ng hapon nang dumating sa nabanggit na eskuwelahan sa Barangay Putatan ang mga tauhan ng Warrant Section ng Las Piñas City Police.

Hinanap ng mga pulis ang 16-anyos na binatilyong estudyante na itinago sa pangalang Neal.

Isinilbi kay Neal ang warrant of arrest laban sa kanya na inisyu ni Judge Joselito Vibandor, ng Las Piñas City RTC Branch 199 dahil sa kasong rape at sexual assault.

Bagama’t may itinakdang P200,000 piyansa para sa kasong sexual assault, hindi pa rin makakalaya si Neal dahil no bail o walang piyansa para sa kanyang kasong rape. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?