66

Oct 13, 2021 @ 15:43
By

Suspek sa rape-slay ng dalagita nabitag

Dinakip ng mga pulis ang suspek sa umano’y panghahalay at pagpatay sa isang 16-anyos na babae sa bayan ng Mexico, Pampanga kahapon, Oktubre 12.

Sa ulat, kinilala ang suspek na si Edgar Torres, 36, na isa rin sa mga most wanted person sa Mexico.

Nagbunsod ang pag-aresto kay Torres sa inilabas na arrest warrant laban sa kanya para sa kasong rape with homicide ni Judge Mary Ann Padron-Rivera, ng San Fernando Regional Trial Court Branch 46.

Noong Marso 1 nang mawala ang biktima. Natagpuan ang bangkay niya noong Marso 3 sa loob ng isang abandonadong bahay sa Tangle Village sa Mexico. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?