298

Suspek sa rape-slay case ni Mabel, nadakip na

Sharing is caring!

Nasa kustodiya na Pasig Police ang suspek sa pagpatay at panggagahasa ng isang bank employee, isang linggo na ang nakakaraan.

Ayaw pangalanan ni Superintendent Orlando Yebra, Pasig City police chief, ang pangunahing suspek at tinutugis pa nila ang iba pang mga kasamahan nito.

Sa paayam sa dzBB, sinabi ni Yebra na hindi lang isa, kundi marami pang suspek sa pagpatay sa 22 anyos na si Mabel Cama, bank employee at residente ng Ortigas Avenue Extension, Pasig City.

Itinanggi diumano ng suspek ang partisipasyon sa insidente subalit giit ng Pasig Police, matibay ang kanilang ebidensiya na magdiin sa kanila sa kaso ni Cama.

Matatandaan na ginahasa, pinatay at sinunog pa ang katawan ni Cama sa tambakan ng isang towing company sa Barangay Rosario, sa Pasig City noong Nobyembre 12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?