19
kulong
By

Suspek sa panghahalay sa 2-anyos arestado sa Negros Oriental

Nadakip ng mga awtoridad ang suspek sa panggagahasa at brutal na pagpatay sa isang 2-anyos na batang babae sa Negros Oriental nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ng Negros Oriental Provincial Police Office ang suspek na si Modesto Tuban Padeño Jr., 32, walang asawa at residente ng Barangay Maayong-Tubig, Dauin, Negros Oriental.

Nahuli si Padeño sa hot pursuit operation dakong alas-6:10 ng umaga sa loob ng bahay ng kanyang tiyuhin kung saan siya nagtago sa Sitio Pinangemnan, Barangay Obat, Sta. Catalina.

Lumabas sa isinagawang awtopsiya ng Dauin Muncipal Health Office sa biktima na ginahasa ito. Mayroon ding basag sa bungo ang biktima.

Natagpuan ang katawan ng biktima sa damuhan ilang metro lang ang layo sa bahay ng suspek sa Purok 2, Barangay Maayong-Tubig, Dauin, Negros Oriental alas-8:30 ng umaga noong Oktubre 17, 2019.

Kinilala si Padeño ng mga witness na huling nakitang kasama ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?