1,832
escaped-prisoners
By

Suspek sa pamamaslang kay Christine Silawan, pinakawalan

Dahil hindi umano sumunod sa legal na proseso ang ginawang pag-aresto, pinalaya ang 17-anyos na pangunahing suspek sa karumal-dumal na pagpatay kay Christine Lee Silawan.

Ayon sa legal counsel ng binatilyo na si Atty. Vincent Isles, pinakawalan mula sa Home Care facility ng City Social Welfare Office sa Lapu-Lapu City ang suspek dakong alas-12:25 ng tanghali.

Ito’y dahil sa hindi umano maayos ang ginawang pag-aresto sa binatilyo.

Naglabas ang Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office ng Omnibus Motion para sa kalayaan nito dahil hindi umano sumunod sa legal procedures ang pag-aresto sa suspek.

Kasalukuyan na umanong nasa safehouse para sa kanyang seguridad ang suspek.

Nataon naman ang pagpapalaya sa suspek sa libing ngayong Sabado ni Silawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?