140

Nov 25, 2017 @ 15:15
By

Suspek sa pagtumba sa negosyante, tiklo sa Mindoro

Naaresto ng mga tauhan ng Pinamalayan, Oriental Mindoro ang suspek sa pagpatay sa isang negosyante sa Barangay Sto. Niño, Pinamalayan, Oriental Mindoro kamakalawa.

Ayon kay PNP Region 4B Spokesperson Police Supt. Imelda Tolentino, alas-5:30 ng hapon kamakalawa naaresto ang suspek na si Jose Victor Estadilla Generato, alyas Wowie, sa kanyang bahay sa Barangay Merit, Victoria, Oriental Mindoro.

Pinagbabaril ng suspek at isa pa nitong kasama ang negosyanteng si Rodel Dimalibot Cunanan, 49-anyos, na residente ng Barangay Sto. Niño, Pinamalayan, Oriental Mindoro habang ito ay nasa loob ng isang tindahan kamakalawa.

Una nang sinampahan ng kasong muder ang suspek dahil sa pagpatay nito sa isang barangay captain na si Alvin Saet, 57, ng Brgy. Casiligan, Pola, Oriental Mindoro noong Mayo 6, 2009 at may kinakaharap na warrant of arrest dahil sa pagnanakaw sa Lemery, Batangas noong taong 2006.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Police Chief Supt. Wilben Mayor, Regional Director ng PNP Region 4B, sa kanyang mga tauhan ang mas maigting na pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa kanilang area of responsibility.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?