141
abante-tnt-vismin-arrested
By

Suspek sa pagpatay sa pulis sa Antipolo, arestado

Sharing is caring!

Nadakip na ng mga tauhan ng Antipolo PNP ang suspek sa pagpatay kay PO3 Don Carlo Mangui kahapon.

Kinilala ang suspek na si Crispin Pormal Corpin, residente ng Barangay dela Paz, Antipolo City, na naaresto sa San Isidro, Antipolo, Rizal.

Sinabi ni CALABARZON Regional Director Police Chief Supt. Guillermo Eleazar ang pagkakaaresto sa suspek ay dahil sa walang tigil na manhunt operation laban dito.

Pasado ala-una ng madaling-araw noong May 20 nang pagbabarilin ng suspek ang biktima habang nasa labas ng kanyang bahay kasama ang kanyang kaibigan na agad nitong ikinamatay.

Iprinisinta mismo ni PNP Chief Oscar Albayalde ang suspek sa media sa Camp Crame.

Batay sa inisyal na imbestigasyon sa motibo ng pamamaslang sa biktima, dahil umano ito sa pagsusumbong ni Mangui sa PDEA kaya sunod-sunod ang drug operation sa kanilang lugar sa nabanggit na lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?