30

Oct 30, 2017 @ 10:44

Suspek sa pagpatay sa motel, bantay-sarado ng DOJ

Naglabas ng immigration lookout bulletin order (ILBO) ang Department of Justice (DOJ) laban sa lalaking hinihinalang sangkot sa pagpatay sa isang babae sa loob ng isang motel sa Quiapo, Maynila.

Partikular na isinailalim sa ILBO si Abukaer Iskoakit o Abukaer Isko Akit, alyas Abu-Avsh Akit, na ikinokonsidera ng Manila Police District (MPD) na person of interest sa pagpatay kay Joan Echipare, 29 taong gulang.

Ang katawan ni Echipare ay natagpuang may tama ng mga saksak ng patalim sa loob ng Escaldo Apartelle noong Oktubre 15.

“Considering the gravity of the offense allegedly committed, there is a strong possibility that he may attempt to place himself beyond the reach of the legal processes by leaving the country,” ang nakasaad sa kautusan.

Dahil dito, nararapat lamang umano na isailalim sa ILBO si Akit, “We thus deem the issuance of an ILBO against the subject person prudent in order to at least monitor the itineraries of his flight, travel, and/or whereabouts.” (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?