238
Suspek sa pagpatay sa make-up artist ni Alden, nadakma sa Cavite
By

Suspek sa pagpatay sa make-up artist ni Alden, nadakma sa Cavite

Nahuli na ang suspek sa pagkamatay ng dating make-up artist nina Alden Richards at Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina.

Kabilang umano sa mga kliyente rin ng biktima sina Katrina Halili at Nora Aunor.

Ayon sa ulat, isinilbi ang arrest warrant laban kay John Rondolf Famadico sa Barangay Langkaan, Dasmariñas City, Cavite dakong alas-10:30 ng umaga para sa kaso nitong robbery with homicide.

Matatandaang natagpuang basag ang bungo at maraming saksak sa katawan ang biktimang si Dindo Malig, 33, sa General Trias, Cavite noong Nobyembre 2017.

Sa inisyal na imbestigasyon, nag-inuman umano sina Famadico, Malig at ang iba pang suspek sa bahay ng biktima bago ito pinatay.

Matapos ang krimen ay ninakaw umano ng mga suspek ang mga gamit ni Malig saka minartilyo ang ulo nito at itinapon ang bangkay may 200 kilometro ang layo sa kanyang bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?