By

Suspek sa pagpatay sa business partner, tiklo sa CIDG

Sharing is caring!

Isang lalaki na suspek sa pagpatay sa isang negosyante ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa kanyang tinitirhan sa Brgy. Sto Cristo, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang naarestong suspek na si Nolan Macansantos, alyas Nicco Santos, 25-anyos, tubong Sto. Domingo Village, Brgy. Sasa, Davao City.

Ayon kay CIDG Detective and Special Operation Unit Operations Chief, Senior Inspector Raydian Corales, pasado alas-singko ng madaling-araw kahapon nang maaresto ang suspek matapos ang isang taon na pagtatago.

Bitbit ang warrant of arrest, inaresto ang suspek dahil sa kasong murder o pagpatay matapos ang tatlong Linggong surveillance sa suspek.

Si Macasantos ay suspek umano sa pagpatay sa kanyang business partner na si Lorence Quijano na pinatay noong buwan ng Nobyembre ng nakalipas na taon at nakita ang bangkay na palutang-lutang sa ilog sa Compostela Valley.

Nakakulong na sa CIDG detention cell ang suspek at pinabubulaanan ang krimenng kinakaharap nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?