113

Apr 27, 2019 @ 14:05
By

Suspek sa pagpatay sa broadcaster, nakatakas

Nanganganib masibak sa tungkulin ang dalawang pulis matapos matakasan ng inmate na may kasong murder sa loob ng isang ospital sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Sumasailalim ngayon sa pre-charge evaluation at summary dismissal hearing sina Police Corporal Elmo Fadri at Police Corporal James Luague, kapwa nakatalaga sa Labangan Municipal Police Station.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya sa Aisah Hospital sa San Pedro District, Pagadian City ang dalawang pulis, kung saan sila natakasan ng suspek na si Arnaiz Alam Cabaro noong Biyernes dakong alas-12:20 ng tanghali.

Si Cabaro ang suspek sa pagpatay kay local broadcaster Carlos Matas.

Dinala ang suspek sa Aisah Hospital mula sa kulungan sa Labangan matapos dumaing ng pananakit ng dibdib.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?