267
arrested-jail
By

Suspek sa pagpatay kay Mayor Bote, tiklo sa CamSur

Sharing is caring!

Nahuli na ang suspek sa pamamaslang kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote sa Camarines Sur.

Ayon kay Philippine National Police Region 5 Regional Director Police Chief Supt. Arnel Escobal, naharang sa checkpoint ang suspek na si Florencio Suarez, 48-anyos, sa Andaya National Highway sa Brgy. Cabasag, Del Gallego, Camarines Sur dakong alas-9:30 ngayong umaga.

Sakay umano ito ng Toyota Avanza na kulay beige at may plate number na PGQ-134z.

Minamaneho ito ni Suarez at may sakay na nagngangalang Robert Gumacay, 35-anyos.

Narekober sa suspek ang isang kalibre .45 na baril.

Kasalukuyan na umanong nasa kustodiya ng Del Gallego Municipal Police Station si Suarez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?