48

By

Suspek sa pagpatay kay Fr. Nilo, pinakawalan

Sharing is caring!

Ipinag-utos ng Regional Trial Court sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ang pagpapalaya kay Adell Roll Milan, ang suspek sa pagpatay kay Catholic priest Richmond Nilo.

Ayon sa kautusan, kaso umano ng mistaken identity ang naging pag-aresto kay Milan.

May nadakip na ang mga awtoridad na isang nagngangalang Omar Mallari, na siyang hinihinalang bumaril at nakapatay kay Fr. Nilo noong Hunyo 10.

Naaresto si Mallari sa bisa ng warrant of arrest sa Barangay Arenas, Arayat, Pampanga, na lider umano ng grupo na sangkot sa gun-for-hire at robbery.

Ito ngayon ang primary suspect sa pagkamatay ni Fr. Nilo.

Matatandaang pinatay ang pari habang naghahandang magmisa sa San Pablo Chapel sa Zaragoza, Nueva Ecija. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?