338
views
father-nilo
By

Suspek sa pagpatay kay Father Richmond Nilo, nadakip na

Sharing is caring!

Naaresto na ng Philippine National Police (PNP) ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Father Richmond Nilo.

Kinumpirma ito ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde kasabay nang mismong araw ng libing ng pari sa Nueva Ecija.

Sinabi ni Albayalde naaresto ang suspek na si Adell Roll Milan sa Bgy Malapit, San Isidro, Nueva Ecija, alas-6:30 kagabi.

Itinuro mismo ng altar boy ng simbahan ang suspek sa pagpaslang kay Father Nilo.

Una nang inihayag ng Special Investigation Task Group na tatlo ang posibleng motibo sa pagpatay sa pari: away sa lupa, pagtulong ng pari sa biktima ng pangmomolestiya, at alitan sa relihiyon.

Matatandaang nitong Linggo, habang naghahanda para magmisa sa kapilya ng Nuestra Señoras Dela Nieve sa Brgy. Mayamot, Zaragosa, Nueva Ecija ay pinagbabaril si Father Nilo ng dalawang lalaking naka-motorsiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?