226

Oct 26, 2020 @ 22:51

Suspek sa pagpaslang sa ex-Pangasinan gov nagpakamatay

Isa sa mga suspek sa pananambang kay dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr., ang nag-suicide sa kanyang bahay nitong Lunes.

Sa panayam, kinilala ni Lt. Col. Ferdinand de Asis, Calasiao Police chief, ang suspek na si Ronald Anthony Romero, 36, residente ng Barangay Poblacion East sa Calasiao.

Nagbaril sa sentido si Romero sa loob ng kanyang kuwarto matapos umalis ang kanyang misis.

“It was a caliber .45 pistol, he shot his temple,” ani De Asis.

Sabi ni De Asis, bago ang pagsu-suicide ng suspek, nagpadala raw ito ng text message kung saan nagpapasalamat siya sa mga kaanak niya at nagpaalam na rin.

Noong Hulyo 5, pinagbabaril si Romero ng dalawang hindi pa kilalang lalaki habang sakay ng kanyang sasakyan.

Nakaligtas si Romero pero naparalisa siya at nakakagalaw sa pamamagitan ng wheelchair.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?