279

Jan 5, 2021 @ 19:08
By

Suspek sa Dacera rape-slay: Bakla po ako

Itinanggi ng isa sa itinuturing na suspek sa panghahalay at pagpatay sa flight attendant na si Christine Dacera na may kinalaman siya sa krimen.

Ayon sa pahayag ni Gregorio Angelo de Guzman sa “QRT”, hindi raw totoong iniwan nila ang biktima.

Noong gabi lang ng Disyembre 31, 2020 niya nakilala si Dacera, na pinakilala sa kanya ng mga flight attendant na matagal nang kilala ng biktima.

Nauna raw siyang natulog at kinaumagahan niya nalaman na may nangyari sa biktima.

Kabilang daw siya sa sumubok na isalba ang biktima sa pamamagitan ng CPR at kasama sa nagsugod sa ospital at nagpunta sa police station.

“Andoon po kami hindi namin iniwan si Tin until the end hindi namin iniwan si Tin. Kaya ang sakit ng mga sinasabi nila. Hindi nila alam ang nangyari. Tumingin sila sa CCTV nandun kami sa police station, sa ospital, sa hotel, hindi namin siya iniwan,” pahayag ni De Guzman.

Tinawag din niyang “absurd’ ang sinasabing panghahalay niya sa biktima.

“Paano naging rape bakla po ako. Never po akong nakipagtalik sa babae ever in my life,” giit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?