134

By

Suspek sa college dean murder, todas matapos mang-agaw ng armas

Sharing is caring!

Napatay sa loob ng police mobile ang suspek sa pagpatay sa dekano ng isang unibersidad sa Las Piñas dahil nang-agaw umano ng baril.

Sa report na nakarating kay Police Director Thomas Apolinario, hepe ng Southern Police District (SPD), alas-siyete ng umaga kanina, ibiniyahe ng mga pulis ng Las Piñas ang murder suspect na si Rodelo Lava y Apostol, alyas Rodel, 38, bus dispatcher at residente ng Tanza, Cavite.

Dinampot ito dahil sa illegal possession of of firearms at paglabag sa election gun ban matapos makuhanan ng baril.

Habang binabagtas ang Alabang-Zapote Road, Pamplona, Las Piñas sakay ng police mobile car 4451, dinakma umano ni Lava ang baril ng isa sa mga police escort kaya napilitan ang mga pulis na ito ay barilin.

Isinugod naman umano sa ospital ang suspek matapos itong mabaril pero dead on arrival.

Si Lava ang itinurong pumatay kay Dr. Harivelle Charmaine Tapaoan-Hernando, dean ng College of Medicine ng University of Perpetual Help sa Las Piñas noong Mayo 11.

Dati na umanong naaresto ang suspek dahil sa pagnanakaw at paggamit ng iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?