306

May 29, 2021 @ 16:11
By

Suspek sa California shooting, nagpunta ng ‘Pinas

Lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa US na nakapunta na pala sa Pilipinas ang suspek sa pamamaril sa kanyang mga katrabaho sa San Jose, California noong Huwebes (Philippine time).

Noong 2016 daw ng bumalik sa Amerika mula sa Pilipinas ang suspek na si Samuel Cassidy, 57-anyos.

Pagkarating umano ni Cassidy sa US ay natagpuan ng mga tauhan ng Customs sa kanyang mga bagahe ang ilang mga aklat patungkol sa terorismo, gayundin ang mga tala niya kung saan nakasaad kung gaano niya ‘di gusto ang kanyang pinagtatrabahuhan.

Lumutang din sa imbestigasyon ang dating asawa ni Cassidy na sinabing madalas nga itong nagrereklamo tungkol sa kanyang trabaho.

Hinala rin ng mga pulis, alam na ng suspek kung sino-sino ang kanyang bibiktimahin dahil mayroon daw siyang isang katrabaho na sinabihan niyang hindi niya ito babarilin.

Nitong Huwebes ay pumasok sa trabaho ang isang galit na galit na Samuel Cassidy at pinagbabaril ang kanyang mga katrabaho na ikinasawi ng siyam na kapwa niya empleyado. Nagpakamatay din ng suspek ang sarili matapos ang krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?