684

By

Suspek sa brutal na pagpaslang sa 16-anyos na dalagita, nahuli na

Nasa kamay na ng awtoridad ang itinuturong suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan, ang 16-anyos na tinanggal ang parte ng mukha sa Lapu-Lapu City.

Sa Davao City nahuli ang nasabing suspek, na kinilala ng mga pulis bilang Jonas Bueno.

Nauna nang isinaad ang manhunt operation para kay Bueno, na naituro dahil sa mga text messages umano nito sa dalagita base sa imbestigasyon ng mga pulis.

“The Police Regional Police Office-7 has the information. We got word that a cellphone from a relative of the victim was recovered. They are looking into it and there are conservations in the phone. This is why we already have a lead and a suspect based on statements that we obtained,” ayon kay PNP spokesperson, Police Col. Bernard Banac.

Matatandaan na nakita ang bangkay ni Christine sa isang lote sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City, na hinihinalang hinalay dahil sa wala itong saplot pang-ibaba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?