9

Sep 21, 2020 @ 10:02
By

Suspek nagbihis frontliner, natangay P30K

Hiling ng isang plant vendor sa Quezon City, makonsensiya ang suspek na matapos magpanggap na customer ay tinangay ang libu-libo niyang pera.

Makikita sa CCTV ng Quezon City Memorial Circle, sa ulat ng GMA News, ang suspek ay nakasuot-frontliner at may ID pa.

Lahad ng vendor na si Zenie Geronimo, namimili muna ang suspek ng mga halaman na nasa P400 ang presyo.

Nang malingat si Geronimo para kumuha ng sukli, doon na aniya ninakaw ng suspek ang kanyang cellphone at wallet na hindi aniya bababa sa P30,000 ang laman. Ito aniya ay mula sa kita ng kanyang tindahan.

“Pinaghirapan ko yan tapos basta lang niya kinuha nang walang kahirap-hirap. Sa hirap ng buhay ngayon sana nanghingi na lang siya,” ayon pa kay Geronimo, sa ulat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?