47

Oct 26, 2021 @ 14:50
By

Suspek na 9 yrs nang ‘missing’ timbog sa Cavite

Tapos na ang maliligayang araw ng lalaking pinaghahanap ng kapulisan sa loob ng 9 na taon.

Nito lamang Lunes nang maaresto ng operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group si Ronald Ramos sa Silang, Cavite.

Ayon sa ulat ng GMA News, 9 na taon nang pinaghahanap ang 39 anyos na suspek sa Camarines Sur sa kasong robbery at frustrated homicide noong 2012.

“Natakasan niya po ‘yong jail guard niya. He went into hiding somewhere in Canlubang for nine years,” wika ni CIDG-Cavite provincial officer Police Lieutenant Colonel Benedict Poblete.

Kwento ng suspek, nakatakas siya noon matapos utusan ng isang jailguard na bumili ng alak.

“Pagkatapos ng hearing, nagyaya na mag-inuman kami noong jail guard… Tapos inutusan akong bumili ng alak tapos hindi na ako bumalik,” kwento ng suspek.

Napag-alaman sa imbestigasyon na kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang sekyu. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?