510

Oct 8, 2017 @ 13:58

Suspek minulto ng pinatay na Robinsons’ supervisor, sumuko

Hindi na nakayanan pa ng 31-anyos na lalaki ang pagmumulto sa kanyang konsensiya ng supervisor ng Robinsons Mall na kanyang ni-rape at pinatay saka iniwanan ang bangkay sa ilalim ng kama noong September 29, sa apartment nito sa Maya Street, Barangay Commonwealth.

Dahil dito ay napilitang sumuko nitong Huwebes, Oktubre 5, sa Criminal Investigation and Detection (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na si Aries Pascua, 31-anyos, cook, at kapatid ng live-in partner ng biktimang si Sharon Morales, 36.

Matapos umanong pagsamantalahan at mapatay ang kanyang hipag na si Sharon ay isiniksik niya ang bangkay nito sa ilalim ng kama at tumakas patunong Calauag, Quezon.

Si Morales, suspervisor ng Robinsons Supermarket (Timog branch) ay natagpuang naaagnas na sa ilalim ng kanyang kama sa inuupahang apartment ng kanyang biyenang babae na Esperanza Pascua, na nakatira lamng sa katabing ng biktima.

Ayon sa suspek, hindi na niya nakayanan ang pagmumulto sa kanya ng biktima dahil kapag nakapikit na umano ang kanyang mga mata ay nagpapakita sa kanyang isipan ang ginahasa at napatay niyang si Sharon.

Sa sinumpaang salaysay ng suspek, pinasok niya sa silid si Sharon na noon ay lasing na lasing matapos na makipag-inuman sa kanyang mga kaibigan noong September 27. At upang hindi ito mag-ingay ay sinakal niya ang biktima at binugbog at nang masigurong patay na ito ay saka niya pinagsamantalahan.

Nabatid na ang biktima at ang kapatid ng suspek ay matagal nang hiwalay, at sila ay may anak na 5-taong gulang, dahilan upang dalaw-dalawin ito ng kanyang biyenan na si Esperanza na siyang nakakita sa naaagnas na ng suprevisor ng nasabing mall.

Una nang sumuko ang live-in partner ng biktima at pinabulaanan na siya ang pumatay kay Morales.

Ang suspek ay kasalukuyang nakapiit sa Quezon City Police District (QCPD) detention cell habang inihahanda ang kasong  isasampa laban sa kanya. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?