235

Jun 21, 2021 @ 19:15
By

Suso ng dalagita sa Palawan lumobo ng 20 kilo

Nagkukulong na lamang sa kanilang bahay sa Puerto Princesa City, Palawan ang isang 12-anyos na babae matapos dumanas ng sobrang paglaki ng suso.

Batay sa isang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho”, sa sobrang laki ng mga suso ng babaeng pinangalanang Yumi, umaabot na ito sa kanyang pusod.

May taas lamang na 4’9” si Yumi ngunit tumitimbang ang kanyang mga suso ng halos 20 kilo.

Dahil dito, madalas sumasakit ang mga balikat at likod ni Yumi. Nagkaroon din siya ng takot matapos mamanyak dahil sa malalaki niyang hinaharap katulad ng nangyari sa kanyang ina.

Ayon sa tiyahin niyang si Grace, nagsimulang lumaki ang mga dibdib ni Yumi nang magkaroon na ito ng regla noong nakaraang taon.

Kapag nagkakaregla raw si Yumi ay sumasabay sa paglaki ang kanyang mga suso.

Nitong June ay nakapagkonsulta si Yumi sa isang espesyalista, kung saan na-diagnose siyang may juvenile gigantomastia, isang kondisyon na agresibong paglaki ng laman.

Ang solusyon lamang daw ay operasyon tulad ng breast reduction surgery o subcutaneous mastectomy na nagkakahalaga ng mula P600,000 hanggang P1,000,000.

Pero bilang guro na sumasahod lamang ng P6,000, hindi sigurado ang nanay niyang si Maricel kung kakayanin ang operasyon ni Yumi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?