24
views

By

Susan, Eddie, Gloria, Nora, Charo, Maricel pararangalan sa 2nd Eddys

Sharing is caring!

Go na go na ang 2nd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa July 9, Lunes, 7 p.m., sa The Theater at Solaire.

Magsisilbing mga host ang magkapatid na Ruffa at Raymond Gutierrez, at nakatoka naman na mga anchor sa red carpet sina Rhian Ramos at Tim Yap.

This year ay nakipagsanib-puwersa ang SPEEd sa Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pangunguna ni Chairperson Liza Dino-Seguerra, at Globe Studios bilang major presenter.

Ilan sa mga magpe-perform sa gabi ng parangal ay ang mga kilalang rapper na sina Abra at Loonie, pati na sina Morissette Amon, Bituin Escalante, Wishful 5 at Noel Caba­ngon.

Pararangalan ng special awards sina Mario Hernando, Joe Quirino Award (posthumous); Ricky Lo, Manny Pichel Award; at Viva Films producer Vic del Rosario, Producer of the Year Award.
Bukod dito, magbibigay din ang SPEEd ng EDDYS Rising Producers Circle Award kina Roselle Monteverde ng Regal Entertainment at Veronique del Rosario ng Viva Films.
Ang EDDYS Icon awar­dees naman ay sina Eddie Garcia, Gloria Romero, Susan Roces, Nora Aunor, Charo Santos-Concio at Maricel Soriano.
Pagkatapos ng awards rites, magkakaroon ng bonggang after party, ang The EDDYS Mega Party, sa pangunguna ng OneMega Group.
Ang limang nominado bilang pinakamagaling na pelikulang Filipino ay ang Birdshot (TBA Studios/Pelikula Red); Deadma Walking (T-Rex Entertainment, Octo Arts Films); Respeto (Cinemalaya Foundation, ArkeoFilms, Dogzilla); Smaller And Smaller Circles (TBA Studios); at Unexpectedly Yours (Star Cinema).
Nominado naman sa pagka-best actress sina Joanna Ampil (Ang Lara­wan); Mary Joy Apostol (Birdshot); Sharon Cuneta (Unexpectedly Yours); Bela Padilla (100 Tula Para kay Stella); at Alessandra de Rossi (Kita Kita).
Paglalabanan nina Abra (Respeto); Joshua Garcia (Love You To The Stars And Back); Edgar Allan Guzman (Deadma Walking); Aga Muhlach (Seven Sundays); at Ronaldo Valdez (Seven Sundays) ang best actor trophy.
Narito pa ang ilang maglalaban-laban sa 2nd EDDYS Choice:
BEST DIRECTOR
1. Julius Alfonso (Deadma Walking)
2. Raya Martin (Smaller And Smaller Circles)
3. Cathy Garcia Molina (Unexpectedly Yours)
4. Alberto Monteras II (Respeto)
5. Mikhail Red (Birdshot)
BEST SUPPORTING
ACTRESS
1. Angeli Bayani
(Maestra)
2. Alice Dixson
(The Ghost Bride)
3. Chai Fonashier
(Respeto)
4. Teresse Malvar
(Ilawod)
5. Jasmin Curtis
(Siargao)
BEST SUPPORTING
ACTOR
1. Enrique Gil
(Seven Sundays)
2. Sid Lucero (Smaller And Smaller Circles)
3. Dido dela Paz
(Respeto)
4. Arnold Reyes
(Birshot)
5. Dominic Roco
(I’m Drunk I Love You)

=================
========================
=============================

Giyera ng Kapamilya, Kapuso
mas magliliyab sa Nielsen
Walang duda na parehong nangunguna sa ratings nationwide ang GMA 7at ABS-CBN 2 base sa kanya-kanyang press release. At depende sa mga manononood kung ano ang mas paniniwalaan nila, kung Kapuso ba o Kapamil­ya sila.
Matagal na ngang hindi nagtutugma ang data na ginagamit ng dalawang networks, dahil magkaiba nga ang ratings provider nila. Ang Kapamilya ay sa Kantar Media, habang ang Kapuso ay sa Nielsen Philippines. At sabi nga nila, pareho silang number one.
Pero mukhang mababago na ang kalakarang ito. Ang kuwento, nag-subscribe na raw sa Nielsen ang ABS-CBN. Posible kayang sa susunod na buwan ay Nielsen data na rin ang gagamitin ng Kapamilya Network?
Kung true ito, ano kaya ang dahilan ng ABS-CBN? Hindi na ba sila gagamit ng data mula sa Kantar?
Kung totoo talaga ito na nag-subscribe na ang ABS-CBN sa Nielsen, pag-amin na kaya ito sa part nila na totoo ang claim ng GMA na mas kapani-paniwala ang Nielsen? At tanggapin na kaya ng ABS-CBN na GMA ang nangunguna nationwide na madalas sabihin ng Nielsen? Well, Abangan na lang natin kung ano ang mga susunod na mangyayari. Pero, bongga ito, ha! ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?