305

Apr 13, 2019 @ 15:18
By

Survivorship benefits bill vineto ni Duterte – Sotto

Hindi pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang nagbibigay ng survivorship benefits sa mga anak ng mga namayapang retired member ng Commission on Audit, Civil Service Commission, Commission on Elections at Ombudsman.

“Katulad nung pinadala sa akin kagabi ng sulat ng Pangulo, ang sabi niya bini-veto niya yung survivorship benefits bill,” ani Senate President Vicente Sotto III sa panayam sa dwiz.

Tinutukoy ni Sotto ang panukala na layong amyendahan ang Republic Act 10084 para palawigin ang survivorship benefits sa mga dependent children ng mga opisyal na “solo parent, or the surviving parents, or up to two nominated persons of the deceased retiree who died without issue.”

Ipinunto umano sa sulat ng Pangulo, na maaapektuhan ng panukala ang pension programs at salaries ng mga government official.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?