304

Dec 29, 2017 @ 21:37
By

Survivor sa Mandaluyong shooting incident: Hindi kami pinakinggan ng mga pulis

Ito ang inihayag ng isa sa mga survivor sa insidente ng pamamaril sa Mandaluyong City kung saan dalawa katao ang napaslang ng mga pulis.

Sa kuwento ni Mhury Jamor, isa sa mga nakaligtas sa insidente, sumisigaw umano sila sa mga rumespondeng pulis-Mandaluyong na ihahatid lang nila sa ospital ang babaeng pasyente.

Subalit hindi umano sila pinakinggan at sinabihang dumapa na lang hanggang sa paulanan sila ng bala.

Ang tinutukoy ni Jamor na pasyente ay si Jonalyn na nabaril sa ulo ng mga pulis.

Sabi pa ni Jamon, maging ang mga tanod ng Barangay Addition Hills ay pinaputukan sila na ikinasawi ng isa pang biktima na si Jomar Hayawon.

Sinabihan umano sila ng mga pulis na bumaba na sasakyan dahil kung hindi, ay papuputukan sila nito.

Dahil hindi agad nakababa, sinabi ni Jamon na pinaputukan pa rin sila ng mga pulis at mga barangay tanod.

Samantala, hawak na ng pulisya si Wilmer Doro, ang opisyal ng barangay na kasama ng mga tanod.

Pinaghahanap ang dalawang tanod na si Gilberto Golpo at Ernesto na sinabing kasama sa mga baril sa mga biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?