43

Mar 30, 2020 @ 21:17
By

Survivor ng WWII, sa Covid-19 namatay

Nakaligtas man sa giyera, sa Covid-19 naman bumigay ang katawan ng kahuli-hulihang survivor ng Guerilla noong World War 2.

Na-confine muna si Pablo Santos Jr., 93, sa Intensive Care Unit ng St. Raphael Foundation and Medical Center sa Mabalacat town sa Pampanga ng limang araw. Pero nitong Linggo, Marso 29 ay sumuko na rin ang katawang lupa nito.

Isang araw bago tuluyang mamatay ang bayaning guerrilla ay lumitaw na nagpositibo ito sa nasabing sakit.

Ayon na rin sa kanyang anak na si Evelyn, bago dinapuan ng kumakalat ngayong mikrobyo virus ang kanyang tatay ay labas-masok na rin ito sa ospital dahil sa iniindang emphysema, isang lung infection dahilan upang mahirapan siyang huminga.

Naging sanhi rin ng pagpanaw ni Lolo Pablo ang dinaranas na internal organ failure.

Si Santos ay nagsilbi sa Bruce Guerilla Movement noong World War 2, ayon na rin kay Bamban Museum Curator Rhonie Dela Cruz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?