34

Oct 12, 2021 @ 14:27
By

Survey: Mga Noypi, TV paboritong kuhanan ng balitang politika

Telebisyon pa rin ang numero unong pinagkukunan ng balitang pamahalaan at politika ng mga Pinoy, ayon sa survey na inilabas ng Pulse Asia ngayong Martes.

Batay sa survey na kinabilangan ng 2,400 respondent edad 18 pataas, 91% ng mga Pinoy adult ang kumukuha ng pangunahing balitang pamahalaan sa telebisyon.

Sinusundan naman ito ng radyo na nakakuha ng 49 percent.

Samantala, pumangatlo ang internet, particular ang Facebook, bilang tanggulan ng mga Pinoy na nais makibalita sa pamahalaan at politika, na nakakuha ng 48 percent.

Bukod pa rito, 37% ang nagsabing sa mga kaibigan o kamag-anak sila nakikibalita at 25% ang nagsabing sa kaibigan o kakilala.

Mababang tatlong porsyento lamang ang sumagot ng dyaryo.

Bagamat pumangatlo lamang sa listahan, 72% ng mga respondent mula Metro Manila ang nagsabing internet ang pangunahin nilang source ng balitang politikal.

Isinagawa ang survey mula Setyembre 6 hanggang 11.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?