26

Oct 26, 2021 @ 18:29
By

Survey: 57% humirap ang buhay sa huling 1 taon

Lumabas sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS) na 57% ng mga Pinoy ang nagsabing bumaba ang kalidad ng kanilang buhay sa huling 12 buwan.

Sa kabilang banda, 13% lang ang nagsabing gumanda ang kanilang buhay sa huling isang taon habang 29% ang wala umanong pinagbago.

Sa naturang survey, tinawag na ‘gainer’ ng SWS ang mga nagsabing gumanda ang kanilang pamumuhay, ‘losers’ ang mga nagsabing pumangit ito, at ‘unchanged’ para sa mga walang pinagbago.

Sa pamamagitan nito, nadiskubre ng SWS NA -44 lang ang ‘net gainers’ score sa naturang survey, na mababa umano.

“The September 2021 Net Gainer score is 13 points down from the very low -31 in June 2021, arresting the recovery from the catastrophic -76 in September 2020 to extremely low -48 in November 2020 and very low -38 in May 2021,” pahayag ng SWS.

Nangunguna rin umano ang NCR sa mga nakaranas ng pagbaba ng kalidad ng pamumuhay sa nasabing survey.

Isinagawa ang survey mula Setyembre 12-16 at may 1,200 adult respondent mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?