67

Jun 17, 2021 @ 15:03
By

Survey: 12.2 milyon walang trabaho

Lumabas sa pinakahuling survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) nitong Huwebes na aabot sa 12.2 milyong adult na Pilipino ang walang trabaho sa unang kwarter ng taon.

Ito ay mas mababa nang kaunti sa 12.7 milyon na walang trabaho noong huling bahagi ng 2020.

Gayunpaman, ang resulta ng huling survey ay mas mataas pa rin ng 8.3% na naitala noong Disyembre 2019, o ang panahon bago tumama ang pandemya sa bansa.

Ang kasama sa bilang ay mga indibidwal na umalis sa trabaho, naghahanap ng trabaho, at mga nawalan ng trabaho dahil sa mga bagay na hindi nila control.

Ayon pa sa SWS, bahagyang bumaba ang bilang ng walang trabaho sa Luzon at NCR ngunit tumaas naman sa Visayas at Mindanao.

Bagamat bumaba, pinakamataas pa rin ang mga walang trabaho sa NCR na nasa 30.8%, habang ang Luzon ay nasa 24.2%

Mula 17% naman ay umakyat sa 23% ang mga walang trabaho sa Mindanao, at mula 19.1% ay pumalo sa 28.7% ang walang trabaho sa Visayas.

Ang survey ay isinagawa mula Abril 28 hanggang Mayo 2 at may 1,200 respondente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,