306

Sep 28, 2021 @ 16:59
By

Surpresa! ‘Ka Leody’ tatakbong pangulo sa 2022

Inanunsyo ni Leodigario Quintain ‘Ka Leody’ De Guzman ngayong Martes na tatakbo siyang pangulo sa 2022 elections.

Tinanggap umano ni De Guzman ang nominasyon ng Partido Lakas ng Masa (PLM) bilang kanilang standard-bearer.

“Tinatanggap ko ang hamon niyo,” wika ni Ka Leody.

“We want everyone to know, tatakbo, lalaban si Ka Leody De Guzman as standard bearer or president ng PLM,” pahayag naman ni Sonny Melecio, chairman ng PLM.

Si De Guzman ay chairman ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino at founding member ng Nagkaisa Labor Coalition.

Huli siyang sumabak sa politika noong 2019 ngunit pang-38 lamang sa senatorial race.

Si De Guzman ang pang-apat sa mga nag-anunsyo ng kandidatura sa 2022, pagkatapos nina Senador Ping Lacson, Senador Manny Pacquiao at Mayor Isko Moreno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?