7

Nov 18, 2020 @ 10:35
By

Surigao Norte inuga ng lindol

Tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa Surigao Del Norte noong Martes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig 74 kilometro northeast sa bayan ng Burgos, alas-6:28 ng gabi, Nobyembre 17.

Ang naturang tectonic na lindol ay may lalim na 20 kilometro.

Samantala, sinabi ng Phivolcs na hindi inaasahang magdudulot ang lindol ng pagkasira ni aftershock.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?