8

Surigao del Norte niyanig ng 5.7 magnitude na lindol

Sharing is caring!

Isang 5.7 magnitude na lindol ang tumama sa bayan ng Albor, Suragao del Norte noong Huweves ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang pagyanig alas-7:56 ng gabi.

Ang lindol ay tectonic ang origin at may lalim na 21 kilometro.

Naramdaman din ang Intensity IV sa Surigao City at sa bayan ng Guian at Salcedo sa Eastern Samar.

Ingtensity IV din sa Carascal, Surigao Del Sur; Lawaan at Giporlos, Eastern Samar; Butuan City; San Francisco, San Juan at Hinunangan, Southern Leyte; atTolosa, Leyte.

Intensity III naman sa Dulag Leyte; Gingoog, Misamis Oriental; at Palo, Leyte habang Intensity II ang naramdaman sa Hinatuan, Surigao Del Sur; at Cagayan De Oro City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?